12 February 2010
simple lang akong mangarap...
at ang mga pangarap ko, nag-iiba habang nagbabago ang aking mga interes...
noong kinder ako, pangarap kong maging tricycle driver...
sa tuguegarao, cagayan pa kami nakatira noon... puro kalesa ang makikita mo sa daan.. sa pagpasok.. sa pag-uwi.. palaging kalesa.. malamang ito ang dahilan kung bakit hindi ako naging matatakutin sa mga hayop.. ang daming kabayo sa paligid (tapos inuulam pa ang aso sa lugar na yun)... minsan pinapahawak pa sa akin ng kutsero ang kanyang pamalo at pinapaupo ako sa harapan para kunyari ako ang nagmamaneho.. bihirang bihira kang makakita ng tricycle.. at kapag may mapapadaan, tuwang tuwa ako at ingit na ingit sa mga nagmamaneho nito... dahil nga kakaiba sa aking paningin... hindi ko talaga maiwasang mamangha... matutulin... mapoporma... sana paglaki ko.. ganun din ako...
noong ako ay tumuntong sa elementarya, naisip kong maging pintor nalang...
lagi akong sinasali noon sa mga poster-making contest... laging pinapa-drawing sa blackboard para may dekorasyon and 'classroom'... siguro naisip ko, since nakikilala ako dito.. bakit hindi? halos kada-'quarter' may sinasalihan ako... kung hindi man sa loob ng campus, sa labas.. inter-school.. provincial.. regional.. mas maraming araw pa na nasa labas ako kesa umaatend ng klase dahil sa mga 'extra-curricular activities' na kagaya nito... umabot pa sa puntong nag-aral ako ng 'painting' sa baguio... kinarir talaga... kung may naibunga man yun, hindi ko alam... pero lalo lang napagtibay ang hilig ko sa pagpinta at pagguhit...
nang magkaroon ng 'teen' and aking edad, pinangarap ko namang maging 'marine biologist'...
nakasanayan ko nang pumunta ng library pagkatapos kong mananghalian... hindi para mag-aral ng leksyon, kundi magbasa ng mga science magazine at pocket book... at napansin ko, yung mga topic tungkol sa dagat at dolphins ang lagi kong binabasa... term paper ko noong high school, tungkol sa dolphins... na siya namang kinadismaya ng english teacher namin (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa)... sabi niya hindi daw malalim... di ako nagpatinag at itinuloy ko ang term paper na iyon... pati sa panaginip ko, palagi kong nakikita ang sarili kong naglalangoy.. masaya siguro ang ganoong trabaho...
noong malapit na akong grumadweyt ng high school, pumasok na sa konsiderasyon ko ang pera... sweldo... kung ano ang praktical sa mga oras na iyon...
tricycle driver? delete...
artist? delete...
marine biologist? delete...
kolehiyo...
pumasa ako ng biology at civil engineering... 8 years vs. 5 years? ... dun na ko sa 5... praktical... at siguro naisip ko, magastos yung 8... tapos malamang bago pa ko matapos ng 8 taon, sawang sawa na ako sa pag-aaral at baka katamaran ko lang... at saka, sa engineering, hindi man ako kagalingan sa math, makakapag-drawing naman ako... laking gulat ko nalang ng malaman kong isa lang ang drawing subject sa curriculum ng CE sa UP...
walong taon na akong inhinyero...
hindi ko man binabalik-balikan ang pagnanais kong maging tricycle driver (no offense po sa mga kapatid nating TODA), naiisip ko pa din ang pagpipinta at pagiging marine biologist..hindi sa hindi ko ginustong maging inhinyero, hindi ko naman siguro matatapos ang kurso ko kung hindi ko rin iyon ginusto... naiisip ko lang ngayon kung ano ang kahihinatnan ng buhay ko kung hindi ako nagpaka-praktikal sa pagpili ng kurso... sa ngayon kasi, ang tingin ko sa ginagawa ko... trabaho... sa iba kasi... ang tawag nila "passion"...
para saan nga ba ang post na ito...
pasensya na.. just thinking out loud...
sige po... salamat sa pagdaan... magtratrabaho pa ako...
...

am thinking of the same thing..
ReplyDeletesir, its never too late to pursue your dreams=)
ReplyDeletei get the same feeling din kung minsan..
ReplyDeletepero sabi nga ni karen sa taas, "it's never too late..."
:)
完成一個小目標,會把自己推向一個大目標 ....................................................
ReplyDeleteI know how it feels. Haha. Just like me, i am thinking everything na posible kong pagkakitaan. At tama ka, praktikal ngayon. Just think wise. =D
ReplyDeleteJules
Soloden.Com
The Brown Mestizo