05 February 2010
Warning: 'Cheesy' content
Hindi ko napansin, February na pala. Malapit na naman ang araw ng mga pusong wagi. Sa mga pusong sawi, medyo matagal tagal pa ang November para magluksa, kaya sa mga taong hindi pa pinatitibok ng tadhana ang puso, kapit lang kayo. Darating din yan.
Sa totoo lang, nakokornihan ako sa valentines. Hindi ko maintindihan kung bakit kelangang maging espesyal ang araw na ito, lalo na kung halos araw araw ninyong inaalala and pagiging “kayo” ng katuwang mo. Para sa kin, wala namang pagkakaiba.
Siguro noong kabataan ninyo (at least sa mga ka-edad ko), hindi nyo na mabilang kung ilang beses kayo nagsulat sa mga 'autograph': Who is your first crush? Who is your first love? .. first Kiss? ... Define Love. At huwag na kayong mag-deny na hindi ninyo sinasagutan ang mga yan..
Noong nakaraang Sabado (anticipated mass), heto ang laman ng isa sa mga reading sa misa:
Love is patient and kind; love is not jealous or boastful; it is not arrogant or rudeLove does not insist on its own way; it is not irritable or resentful;it does not rejoice at wrong, but rejoices in the rightLove bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things
Ito raw ang tunay na pag-ibig. Alam kong sasabihin mong maraming klase ng pag-ibig, pero since Valentines, romantic love ang pagtritripan natin. Bago matapos ang homily noong Sabado, inulit ng pari ang pagbasa pero nilagyan niya ng konting twist…
He/She is patient and kind; He/She is not a jealous or boastful; not arrogant or rudeHe/She does not insist on his/her own way; He/She is not irritable or resentful;He/She does not rejoice at wrong, but rejoices in the rightHe/She bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things
Nagkatinginan kami ni Tet. Napangiti. 8 years na. At nandito pa rin kami, magkasama sa pinaka-unang simbahan na pinagsimbahan namin dati noong college.
Kapag tinanong ka ngayon, kung mahal mo ba ang iyong girlfriend/boyfriend? Kung mahal mo ba ang iyong asawa? Marahil, kahit sino sa atin, kung hindi man sa kasalukuyan, hindi makaka-perfect score kung heto ang ating gagawing basehan. Marahil minsan sa relasyon ninyo (at maging sa amin na din), naging seloso/selosa ka, marahil naging iritable ka din, lalo na noong mga panahon na nakakaranas ka ng pagkasawa. Lahat yan, kung hindi man ganun ka-grabe ay dinaanan niyo na o dadaanan niyo pa lang.
Kapag tinanong ka ngayon, kung mahal mo ba ang iyong girlfriend/boyfriend? Kung mahal mo ba ang iyong asawa? Marahil, kahit sino sa atin, kung hindi man sa kasalukuyan, hindi makaka-perfect score kung heto ang ating gagawing basehan. Marahil minsan sa relasyon ninyo (at maging sa amin na din), naging seloso/selosa ka, marahil naging iritable ka din, lalo na noong mga panahon na nakakaranas ka ng pagkasawa. Lahat yan, kung hindi man ganun ka-grabe ay dinaanan niyo na o dadaanan niyo pa lang.
Dito na siguro pumapasok ang pag-aaway. Spice daw. Kung malampasan ninyo; OK. Kung hindi; Good bye.
Kaya siguro sabi nila ang pag-ibig din daw ay isang desisyon. Dahil kelangan mong pagdesisyunan kung dapat mo bang ilaan ang sarili mo sa isang tao at gusto mong pagdaanan lahat ng iyan hanggang sa maabot niyo ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Korni, pero totoo.
Korni, pero totoo.
Maligayang araw ng mga puso sa inyong lahat.
...
wow, 8 yrs is no joke..
ReplyDeletestay in love..n_n
Woohoo! Happy Valentines sanyo! grabe, 8 years. dagdagan pa!
ReplyDelete8 years...tagal na. congrats!
ReplyDeletehapi love month! :]
God bless!
wow 8 years..kainggit..^_^
ReplyDelete